Ceniza David (Barongan)
Hi everyone,
Kumusta kayong lahat mga Canlubang na kababayan namin from David Family
Ako si Ceniza David Barongan. Sister of Romeo, Serafin & Angel David. Three of them graduated in RI and the rest of the younger siblings graduated in Laguna Institute.
But anyway, nagbrowsed ako sa RI website and I was in tears. Nakita ko ang kasayahan nang lahat nang tao noong mga past reunion nang mga kanya kanyang year batch. Nagkantahan, nagkalilahan, tawanan, name it lahat nang paraan para maging masaya ang bawat isa. Sa pagpanood ko nang lahat nang kasiyahan na yan ay nasundan nang walang tigil na kasiyahan ang ginanap namin dito San Diego, Ca. nitong nakaraan June 19,20 & 21. Dumating ang mga taga Canlubang sa ibat ibang panig dito sa Amerika at sa kabilang panig din nang mundo.
Sa unang pamumuno ni Mrs Mellie Contreras Faunlagui ay nag karoon nang pagkakataon muli ang mga taga CANLUBANG ni Mr YULO na ating pinapanginoon noon na nagbigay sa ating lahat nang magandang panimula sa ating buhay. Kung natatandaan nating lahat, tayo ang kaunaunahan tao sa CANLUBANG. Napakaganda nang ating nakagisnan sa kanyang pamamalakad sa ating buhay matanda o bata. ( Ako hindi ko makakalimutan yan).Kahit ang familya David ay maagang umalis nang Canlubang in 1968 , kahit kami ay Lumipat na sa Calamba at nakarating nang amerika ay Bukang bibig pa rin ang Canlubang by remembering & saluting Mr Jose Yulo & Family.Nai i kwento namin sa aming mga anak na kami ay sinuwerte pa rin while we were growing up.
Noong February 2010 ay nasa Pilipinas ako at muling dumalaw sa Canlubang, Bumisita sa simbahan, sa Santa Cecilia, sa RI, sa basketball court, sa Sugar Mills, name it naglibot ako. Nalungkot ako noong nakita ko ang ating hospital na nagdugtong nang maraming buhay sa atin lahat ang naiwan ay yung hagdan na cemento. Ano kay ang dahilan at naiwan iyon? As I asked myself.
The palengke parang bumalik sa pangdinig ko ang boses ni Aling Bebeng na nagtitinda nang pang pancit at gulay, boses ni Commander Lola Fidela Paloma (RIP) na dumarating na sya.Yong bang mga ganyang little thought na maaalala natin na parte nang ating buhay. Di ba naka kangiti. Tapos uusal tayo nang salitang ang buhay nga naman. Ang hindi ko makakalimutan ay ang mga nagliligawan sa atin bata pa ako noon; kung sila ay magtatagpo ay sa may groto nang mahal na birhen na nasa harap nang hospital o di kaya ay sa napakalaking sinehan sa may Casa de Nipa, at doon sa may simbahan na may fountain na alay kay Donya Ceilia Araneta Yulo na pagitan papuntang elementary Oh! nakalimutan nyo na ba yan. Di bah..Sarap ang buhay. ( Oh! hindi ako yan dahil bata pa ko noon.) Sarap gunitaiin.
So, sa maigsing kwento sa nangyaring walang patid na kasiyahan nang fiesta/reunion na naganap nitong June 2010 sa San Diego, sana ay maulit muli sa taong 2012 na gaganapin sa Pilipinas. Sana ay mapatunayan nating lahat na tayong mga taong nahubog sa kagandahan ugali, sa pamumuhay at sa ating sariling pagsisikap na ating nakagisnan sa pamumuno ni Mr Yulo ay muling magkasamasama na makauwi tayong lahat sa Canlubang. Talagang nakakatiyak tayong lahat na magiging napakasaya at palagay ko ay kaunting panahon na maibabahagi natin sa mga naiwan natin doon ay wala rin silang katapusang pasasalamat sa maigsing kaligayahan nating maidudulot. Sa ating "PAGKAKAISA"
KAYA, AKO AY NAG KAKAMPANYA SA ATING LAHAT SA BUONG MUNDO NA TAYO AY MAGKAISA NA MAKAUWI SA CANLUBANG AT MAG BIGAY NANG KAUNTING KASIYAHAN. UUNAHAN KO NA KAYONG LAHAT.....IISA LANG ANG PINAGIISIPAN NATIN. KUNDI TRABAHO, PERA ANG DAHILAN, O DI KAYA HUWAG NAMAN SANA NE ME MERON KAPANSANAN. ME AWA ANG DIYOS AY MAKARARAOS DIN TAYO. MAIGSI LANG BUHAY. HABANG ME BUHAY PA TAYO NA BINIBIGAY NANG PANGINOON AY SAMANTALAHIN NATING LAHAT. LAHAT TAYO ME MISYON SA BUHAY. ISAMA NATIN ANG ATING NAIWAN SA CANLUBANG AT GARANTISADO HINDI KAYO MAGSISISI. ANG KASIYAHAN SA BUHAY AY MASARAP ..............ANG LUNGKOT AY MALUNGKOT. OH! TAWA NA KAYO DYAN. Mag si sign off na ako. At sana ay huwag kayong magsawa sa aking kapirasong pananawagan.
SALUDO......SALUDO..... SA IYO MELLIE....FOLLOWERS LANG KAMI......WITH YOUR LEADERSHIP WE WILL WORK HARD FOR OUR COMMUNITY UNITY...
PLEASE MAGHANDA TAYO SA YEAR 2012 REUNION SA PILIPINAS,CANLUBANG, LAGUNA
HANGGANG SA MULI.....CENY DAVID BARONGAN(858-705-2217)
Hope, i did not offend anybody...Thanks.
|